“Babalatan ko kayo ng buhay” – Duterte

By Den Macaranas October 01, 2016 - 08:43 AM

Duterte Vietnam
Inquirer file photo

Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kurap na opisyal at tauhan ng pamahalaan na lumayas na sa kani-kanilang mga pwesto.

Ayon sa pangulo, patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng mga reklamo kaugnay sa mga opisyal ng gobyerno na tumatanggap ng suhol o sangkot sa katiwalian.

“Itigil na ninyo yan o babalatan ko kayo ng buhay”, ayon kay Duterte.

Umapela rin ang pangulo sa mga nagpapasok ng kontrata sa pamahalaan na dumaan sa tamang proseso at huwag manuhol kapalit ng mga proyekto.

Ayon kay Duterte, “meron lang akong anim na taon bilang pangulo kaya titiyakin ko na lilinisin ko ang gobyerno dahil nakataya dito ang pangalan ko”.

Tiniyak din ng chief executive na babaguhin niya ang pagtingin ng mga dayuhan na kurap ang gobyerno ng Pilipinas.

Nakiusap rin siya sa publiko na patuloy na magbigay ng mga impormasyon kaugnay sa mga tiwaling tauhan at opisyal ng pamahalaan.

TAGS: corrupt, duterte, Vietnam, corrupt, duterte, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.