May Lakas-CMD si Binay

May 27, 2015 - 04:54 AM

binay
Kuha ni Nestor Corrales / Inquirer.net

Kinumpirma ni Vice President Jejomar Binay ang posibleng pakikipagsanib puwersa ng kanyang partidong United Nationalist Alliance (UNA) sa partidong Lakas-CMD-Kampi ng dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Sa panayam kay Binay sa kaniyang pagdalo sa National Housing Summit sa Valenzuela City, sinabi nitong nasa proseso na sila ng pakikipag-usap sa kampo ni Congresswoman Arroyo para sa darating na eleksyon.

Nang tanungin kaugnay sa posibilidad na maging “kiss of death” ang pakikipag-alyado sa partido ni CGMA sinabi ni Binay na pwede itong mangyari pero ang dagdag na isang boto ayon sa Pangalawang Pangulo ay boto pa rin.

Samantala, pinasalamatan naman ni Binay si Pangunong Benigno Aquino sa kanyang pahayag na isang mahusay na kandidato sa
pagkapangulo ang Bise Presidente.

Sa nasabing summit, lumagda si Binay sa pledge of commitment sa pagtugon sa housing backlog sa Pililipinas. Sinasabing aabot sa 3.9 million ang backlog ng Gobyerno sa usapin ng pabahay para sa mga mahihirap. Inaasahang lolobo pa ito sa hanggang 5.6 million sa susunod na taon.

Maliban kay Binay, dumalo din sa summit sina Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement Chairman Senator JV Ejercito, at ni Congressman Albee Benitez na Chairperson naman ng Committee on Housing and Urban Development sa Kamara. / Erwin Aguilon

TAGS: . housing, binay, elections, Lakas-CMD, . housing, binay, elections, Lakas-CMD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.