6 sugatan sa saksakan sa Boston

By Kabie Aenlle September 26, 2016 - 05:05 AM

police-line1Anim na katao ang nasugatan sa isang away na naganap sa Theater District ng Boston, at hinahanap ng mga otoridad ang isang suspek na pinaniniwalaan nilang sugatan rin.

Ayon sa Boston Globe, sinabi ni Supt. Bernard O’Rourke na rumesponde ang mga pulis sa isang ulat ng ramble na naganap madaling araw ng Linggo, sa oras na sarado na ang mga bars at restaurants sa
nasabing distrito.

Ayon pa sa mga pulis, nasaksak ang mga tao gamit ang kutsilyo o mga basag na bote, dahilan para maging kritikal ang lagay ng isa sa mga nasugatan.

Dahil dito, inalerto ng Emerson College na may campus malapit sa pinangyarihan, ang kanilang mga estudyante na hindi pa nahuhuli ang mga suspects, at sinabihan ang mga ito na i-report agad ang mga kahinahinalang tao o aktibidad na kanilang mapapansin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.