Basketball star na si Kevin Garnette nagpaalam na sa NBA

By Den Macaranas September 24, 2016 - 04:57 PM

kevin-garnett
Inquirer file photo

Makaraan ang 21 seasons, nagpaalam na sa NBA ang isa sa itinuturing na matagumpay na basketball player na si Kevin Garnette.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nagpaalam sa NBA at sa kanyang mag tagahanga ang 40-anyos na frontman ng Minnesota Timberwolves.

Ito ay makaraan ang kasunduan sa pagitan nila ng Timberwolves para sa buyout ng kanyang nalalabing $8 Million contract.

Sa mga nakalipas na buwan ay naging sunud-sunod ang mga injuries ng nasabing player na inilalarawan bilang isang agresibong manlalaro sa loob ng hardcourt.

Bago siya nalipat sa Timberwolves noong 2008, kabilang si Garnette sa nagbigay ng mataas na puntos na siyang nagdala sa Boston Celtics sa kampeonato noong taon na iyun.

Kabilang si Garnette sa limang mga naging NBA players na mayroong kabuuang 50,000 game minutes sa liga sa loob ng kanilang career.

Kasama rin si Garnette sa ilang mga NBA cagers na mula high school ay dumiretso kaagad sa nasabing liga tulad nina Kobe Bryant, Tracy Mc. Grady at Lebron James.

TAGS: kevin garnette, NBA, timberwolves, kevin garnette, NBA, timberwolves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.