PNP hinamon ng SC na hanapin ang mga tumambang sa hukom sa Agusan

By Den Macaranas September 24, 2016 - 03:05 PM

supreme-court
Inquirer file photo

Mariing binatikos ng Supreme Court ang pananambang ng mga armadong kalalakihan kay Bayugan City Regional Trial Court Branch 7 Judge Hector Salise.

Inambush kahapon sa habang pabalik sa Buyugan City sa Agusan del Sur si Salise mula sa Butuan City. Kasama ng hukom ang kanyang security detail na si SPO1 Edmund Narcisa ng sila’y pagbabarilin ng mga armadong suspek habang sakay ng kanyang Toyota Innova.

Nagawa pang bumalik sa Butuan City nina Salise  at ng sugatan din na si  Narcisa.

Sinabi ng Supreme Court na walang puwang sa lipunan ang karahasan lalo’t ang target ay isang tauhan ng pamahalaan na nasa likod ng paghahanap ng hustisya.

Hinamon din nila ang Philippine National Police na bilisan ang imbestigasyon sa naturang krimen.

TAGS: Judge, PNP, salise, SC, Judge, PNP, salise, SC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.