Si Jake Ejercito at hindi si Albie Casino ang tatay ng anak ni Andi Eigenmann

By Bandera, Dona Dominguez-Cargullo September 23, 2016 - 07:38 PM

andi-and-jakeSi Jake Ejercito nga ang tatay ng anak ni Andi Eigenmann at hindi si Albie Casino.

Mismong ang kapatid ng Kapamilya actress na si Max Eigenman ang nagkumpirma nito sa radio show ni Mo Twister.

Ayon kay Max, base sa isinagawang DNA test si Jake ang tunay na tatay ni Ellie at hindi si Albie.

Sa interview ng podcast ni DJ Mo na “Good Times With Mo”, sinabi nito na gusto naman niya si Jake bilang tao, “You know that he’s the father of my niece right? Yeah he is, he is. They did a test and yeah he’s the dad.”

Nagulat naman si DJ Mo sa pasabog ni Max, ang alam kasi ng lahat ay si Albie ang ama ni Ellie at naging malapit lang si Jake sa bata dahil ito na ang tumayong ama mula nang ipanganak si Ellie. At may naganap palang test.

Ayon pa kay Max, “They did, they did and then they checked. They’re co-parenting that’s why he always posts photos of my niece and stuff”.

Kamakailan, nagkapalitan ng masasakit na salita sina Jake at Andi sa pamamagitan ng social media. Tinawag kasing manggagamit ni Jake ang aktres noong kasagsagan ng promo ng pelikula ni Andi na “Camp Sawi”.

Galit na galit naman ang aktres sa ex-boyfriend at sinabing ayaw na niyang makausap kahit kailan ang binata.

Ayon pa kay Max, hindi pa rin nagkakaayos ang dalawa, “Apparently he said something that she didn’t like on camera or on an interview and that was her reply to him. But as far as a I know they haven’t made up yet.”

Inanunsyo rin ni Max na masaya na ang lovelife ngayon ni Andi, at halos isang taon na ang relasyon nito sa bagong boyfriend.

Noong November 2015, sinabi ni Andi na si Albie ang ama ng kaniyang anak.

Pero sa halip na agad akuin, iginiit ni Albie na magpa-DNA test siya para matiyak na siya talaga ang ama, na tinanggihan naman ng kampo ni Andi.

 

TAGS: andi eigenmann, Jake Ejercito, andi eigenmann, Jake Ejercito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.