Sasakyan ng nawawalang live-in partner ni QC Coun. Hero Bautista, natagpuan na

By Alvin Barcelona September 23, 2016 - 05:15 PM

hero herbertNatagpuan ang Mercedez Benz ng dating live-in partner ni Quezon City Councilor Hero Bautista na inabandona sa lungsod.

Isang gwardya umano ang nag-report na mayroong abandonadong sasakyan sa parking lot ng isang fastfood chain sa kanto ng C5 at Greenmeadows ang Mercedez Benz na may plakang PJW 727.

Pag-aari umano ito Rio April Borja Santos.

Pinuntahan ito ng mga tauhan ng QCPD station 12 sa at kasalukuyan nang pino-proseso ng mga Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Una nang humingi ng tulong sa QCPD ang ina ni Santos na si Emiliana dahil sa pagkawala ng kaniyang anak.

Noon pang gabi ng September 12 huling nakita ang biktima

Ayon kay Ginang Emiliana, lumabas mula sa condominium unit nila sa Eastwood ang kaniyang anak para bumili lamang ng tubig at kitain ang isang tinawag niyang “major” pero hindi na ito nakabalik.

TAGS: car of the missing ex-GF of Hero Bautista found in QC, car of the missing ex-GF of Hero Bautista found in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.