Pasahero sugatan sa banggaan ng dalawang bus sa Cubao

By Kabie Aenlle September 23, 2016 - 11:02 AM

new-york-cor-edsaSugatan ang isang pasahero matapos magkabanggaan ang bus ng Victory Liner at ng Dagupan bus sa southbound lane ng EDSA Cubao, kanto ng New York Street sa Quezon City.

Paliwanag ng driver ng Victory Liner bus na may plakang CXV 338 na si Romeo Ocampo, kakanan dapat siya sa New York St. nang bigla syang atrasan ng Dagupan bus.

Dahil dito, nabasag ang bintana sa bandang likod ng Victory Liner bus, kaya nauntog ang ulo at tinamaan ng bubog ang hindi na napangalanang pasahero.

Pero giit naman ng driver ng Dagupan bus na may plakang DXN 466 na si Richard Doromal, nakahinto lang sya sa kanilang terminal nang biglang kumanan ang victory liner bus at bumangga sa kaniyang likuran.

Agad namang dinala sa East Avenue Medical Center ang pasahero para mabigyang lunas ang kaniyang mga natamong sugat, habang kapwa naman dinala sa Quezon City Police District traffic sector 4 ang dalawang driver para maimbestigahan.

Unang nagdulot ng bahagyang pagsikip ng trapiko ang dalawang bus pero agad rin naman naitabi ang mga ito.

 

TAGS: vehicular acccident, vehicular acccident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.