Batang hamog, patay matapos masagasaan ng truck sa Makati

By Jan Escosio September 23, 2016 - 10:23 AM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Patay ang isang batang hamog matapos na masagasaan ng isang truck sa northbound lane ng Osmeña Highway, Magallanes, Makati City.

Ayon sa mga rumespondeng pulis, maaring nabundol muna ang biktima habang tumatawid bago naipit sa likurang gulong ng truck at nakaladkad ng aabot sa 500 metro.

Kita kasi ang bakas ng pagkakakaladkad sa hindi pa nakilalang biktima mula sa Magallanes bus stop.

Pilipit ang braso at halos nahubaran ang biktima bunsod ng insidente.

Hindi naman huminto ang truck na nakasagasa sa biktima.

Titignan ng mga otoridad ang CCTV footage sa lugar para matukoy ang nakasagasang truck.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.