Fanny Serrano, nakakarecover na matapos ma-stroke

By Bandera, Jay Dones September 23, 2016 - 04:19 AM

 

Mula sa Bandera

Masayang ibinalita ng asawa ni Tirso Cruz III na si Lynn na unti-unti nang umaayos na ang kondisyon ng celebrity hair stylist na si Fanny Serrano.

Si Fanny ay naka-confine pa rin sa Philippine Heart Center matapos ma-stroke kamakailan.

Ipinost pa ni Lynn ang mahabang mensahe niya tungkol sa mabilis na paggaling ni Fanny at isang larawan nilang dalawa.

Ayon kay Lynn, mistulang walang nangyari sa kanyang kaibigan sa kabila ng dinanas nitong stroke.

Pinasasalamatan din aniya ni Fanny Serrano ang Panginoon at mga panalangin mula sa mga kaibigan at mahal sa buhay kaya’t mabilis siyang nakakabawi mula sa karamdaman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.