Suspek sa pagcho-chop sa katawan ng isang Pinay sa Dubai, arestado na

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2016 - 07:50 AM

Photo from Khaleej Times
Photo from Khaleej Times

Naaresto na ng Dubai Police ang Pinoy na suspek sa pagpatay at pagchop-chop sa katawan ng isang Filipina maid.

Ayon sa Dubai Police, ang chop-chop na katawan ng Pinay na si Manormeeta Salwaro Dadi ay natagpuan noong Mayo malapit sa University Road sa Al Warqa.

Sa ulat ng Khaleej Times, walang ulo, mga braso at binti nang matagpuan ang katawan ni Dadi na batay sa imbestigasyon ay tumakas mula sa kaniyang amo pitong araw bago siya natagpuang patay.

Sa kabila na tanging torso lamang ng biktima ang na-recover ng mga otoridad, nagawa siyang makilala matapos kuhanin ng Dubai Police ang record ng nasa 9,750 na kasambahay sa Dubai na nagsitakas sa kanilang mga amo, at saka nagsagawa ng DNA test.

Ang Pinoy na suspek na umano ay kamag-anak ni Dadi ay naaresto at nakilalang si Glin Ambro.

Sa imbestigasyon, pinagsasaksak ni Ambro si Dadi sa Musaffah, Abu Dhabi at saka tinangay ang pera nito na aabot sa 10,000 Dirhams.

Pinagputol-putol ang katawan ng biktima at nagrenta ito ng sasakyan patungo sa Dubai kung saan nito sinunog ang ilang bahagi ng katawan ni Dadi.

 

 

TAGS: Headless woman found in Dubai a Philippine national Filipino suspect arrested, Headless woman found in Dubai a Philippine national Filipino suspect arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.