Bgy. Captain na ‘high value’target’ napatay sa raid sa Pangasinan

By Jay Dones September 22, 2016 - 02:26 AM

 

gun crime suspect drugsPatay ang isang kapitan de barangay matapos umano itong manlaban sa mga otoridad na aaresto sana sa kanya sa San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ang napatay na opisyal na si Lamberto Villa , Barangay Captian ng Tayambani sa San Carlos makaraang magtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng pulisya, isisilbi sana ng arresting team ang dalawang arrest warrant sa kapitan nang bumunot umano ito ng baril at nakipagpalitan ng putok sa mga otoridad.

Dahil dito, nakipagbarilan na rin ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Ayon kay Supt. Nestor Cusi, hepe ng San Carlos police, itinuturing na ‘high value target’ si Villa na nakuhanan pa ng 35 sachet ng shabu at kalibre .45 baril nang mapatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.