Mga pulis pagbabantayin na rin sa loob ng mga mall

By Ruel Perez September 22, 2016 - 02:00 AM

 

pnpPinapayagan na ngayon na makapagbantay ang mga pulis sa loob ng mga malls at hindi na sa labas lamang.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Director  Chief Supt. Camilo Cascolan, nakumbinsi nila ang mga malalaking malls sa bansa na papasukin ang mga pulis sa kanilang mga establisimiyento para magmanman.

Paliwanag ni Cascolan, bukod sa naka-unipormeng pulis may idedeploy din sila na mga pulis na nakasibilyan na roronda sa loob ng mall.

Sa ganitong paraan, makakapagsurveillance ang mga ito ng hindi mapapansin mga indibidwal na may masamang binabalak.

Maliban naman sa mga bomb threat, babantayan din ng mga pulis sa malls ang pagsalakay ng mga kawatan tulad ng mapangahas na pangungulimbat ng martilyo gang sa isang malaking mall sa Mandaluyong noong 2013.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.