Paglilinis sa 19 Mabuhay lanes muling sinimulan ng HPG

By Den Macaranas September 21, 2016 - 04:35 PM

traffic-towing
Inquirer file photo

Aminado ang Highway Patrol Group ng Philippine National Police na problema pa rin nila ang ilang ordinansa ng mga lungsod na nagpapahintulot na gawing parking area ang ilang lansangan sa kani-kanilang mga lugar.

Sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni PNP-HPG Director CSupt. Antonio Gardiola na mahigpit nilang binabantayan ang kahabaan ng labing-siyam na mga Mabuhay lanes.

Bahagi nito ang pagtatalaga ng mga towing trucks sa lugar para batakin ang mga sasakyan na nakaharang o yung mga nakaparada na umuokupa ng espasyo sa mga daan.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa 40-vehicles a day ang nahahatak ng mga towing trucks ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na pinamumunuan ni Gardiola.

Umaabot na rin sa kabuuang 300 ang bilang ng mga HPG personnel na nakakalat sa Metro Manila partikular na sa kahabaan ng EDSA.

Habang papalapit ang panahon ng kapaskuhan ay mas lalo pang sisikip ang daloy ng trapiko ayon sa HPG.

TAGS: HPG, i-act, Mabuhay lanes, mmda, HPG, i-act, Mabuhay lanes, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.