Angelina Jolie, gusto nang hiwalayan si Brad Pitt

By Jay Dones September 21, 2016 - 04:26 AM

 

AP Photo

Nais nang hiwalayan ng aktres na si Angelina Jolie ang kanyang mister na aktor na si Brad Pitt.

Sa ulat ng TMZ, naghain na ng divorce sa korte si Jolie kay Pitt dahil umano sa ‘irreconcilable differences’.

Diumano, hindi magkasundo ang dalawa sa paraan ng pag-aaruga ni Pitt sa kanilang anim na anak.

Dahil dito, hinihingi rin sa korte ni Jolie na makuha ang kustodiya ng kanilang mga anak.

Ayon pa rin sa ulat ng TMZ, idinadahilan din ni Jolie sa kanyang paghingi ng divorce ang paggamit ng marijuana at alak at ‘anger problem’ nito na posibleng maglagay sa alanganin sa kanilang mga anak.

Si Brad at Angelina ay isa sa mga pinakasikat na mag-asawa sa Hollywood.

2004 nang magsama ang dalawa ngunit nagpakasal lamang noong August 2014.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.