Transgender solon, napaiyak sa ipinapanukalang Anti-Discrimination Bill

By Rod Lagusad September 19, 2016 - 10:03 PM

Geraldine RomanNapaiyak si Bataan Rep. Geraldine Roman, ang unang transgender na kongresista sa Kamara habang inaalala ang kanyang naging karanasan na diskriminasyon sa kanyang ipinapanukalang Anti-Discrimination Bill.

Sa naging privilege speech ni Roman na hindi niya pwedeng isantabi ang diskriminasyong dinadanas ng lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community.

Hindi naiwasan ni Roman na mapaluha habang hinihingi ang suporta ng iba pang mga kongresista sa kanyang panukalang krimen ang diskriminasyon laban sa LGBT.

Ayon kay Roman na walang datos tungkol sa mga paglabag sa labor standards na nakakaapekto sa mga empleyadong miyembro LGBT.

Dagdag pa ni Roman na maging ang Korte Suprema ay nalilito o napagpapalit sa paggamit ng mga terminong LGBT at homosexuals dahil hindi lahat ng miyembro ng LGBT ay mga homosexual.

Giit pa niya nasa 164 na kaso lang ng hate crime ang naitala mula 1996 dahil aniya walang opisyal mula sa Department of Justice, Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang nagdodokumento hinggil sa mfga naturang hate crimes.

Sinabi na ni Roman na panahon na para sa Pilipinas na magkaroon ng isang anti-discrimination law.

TAGS: Anti-Discrimination Bill, Bataan Rep. Geraldine Roman, Kongreso, LGBT, Anti-Discrimination Bill, Bataan Rep. Geraldine Roman, Kongreso, LGBT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.