Rufa Mae Quinto, kumpirmadong buntis na

By Kabie Aenlle September 19, 2016 - 03:50 AM

 

Mula sa bandera.inquirer.net

Ibinunyag ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto na ipinagbubuntis na niya ang kaniyang kauna-unahang anak sa kaniyang non-showbiz fiance na si Trev Magallanes.

Sa isang panayam kay Quinto, kinumpirma niyang 17 weeks na siyang buntis.

Ayon pa sa komedyante, naiyak pa siya nang malaman niya ang balita

mula sa kaniyang mga doktor dahil natatakot siyang baka hindi na siya makapag-buntis dahil 38 taong gulang na siya.

Ikinwento niya pa na maselan ang kaniyang pagbubuntis kaya pinagpapahinga siya maigi.

Una nang lumabas ang usap-usapang bunti si Quinto nang mag-post sa Instagram ang kaibigan niyang host na si Grace Lee, kung saan tinukoy niya si Rufa bilang isang “pregnant lady.”

In-edit naman ito ni Lee at tinanggal ang salitang “pregnant.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.