Iranian para-cyclist, nasawi sa Rio Paralympics 2016

By Angellic Jordan September 18, 2016 - 10:11 AM

paracyclistPatay ang isang Iranian national matapos maaksidente sa isang race ng cyclist tournament sa Rio de Janeiro Paralympics Games.

Base sa inilabas ng impormasyon ng International Paralympics Committee o I-P-C, naaksidente si Bahman Golbarnezbad sa mabundok na bahagi ng cycling course.

Agad na binigyan ng emergency treatment ang 48-year old na atleta ngunit inatake siya sa puso habang dinadala sa Rio Hospital, hanggang sa ideklarang namatay.

Nagparating ng pakikiramay sina I-P-C President Philip Craven at Rio Olympic Organizing committee head Carlos Nuzman, sa ngalan na rin ng mga bumubuo ng Paralympic Movement, sa mga naiwang pamilya, kaibigan at teammates ni Golbarnezbad.

Ang kanyang pagkasawi ay ang ang kauna-unahang naitalang kaso ng pagpanaw ng isang atleta sa kasagsagan ng Paralympics Games.

Sa ngayon, hindi pa malinaw ang naging sanhi ng nangyaring aksidenet at patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga opisyal kaugnay dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.