Karakter ni Paul Walker sa Fast and Furious franchise, posibleng muling masilayan

By Rod Lagusad September 18, 2016 - 07:00 AM

paul-walkerMaaring muling masilayan ang karakter ng yumaong actor na si Paul Walker sa Fast and Furious franchise.

Ayon kay Caleb, kapatid ni Walker, kinausap niya ang franchise co-star na si Vin Diesel kung paano at kailan pwedeng muling masilyan ang karakter nitong ni Brian O’Conner na bumalik para sa isang cameo.

Matatandaang namatay si Walker sa isang car accident noong November 2013 kung saan si Caleb at isang pang kapatid nilang si Cody ay tumulong para tapusin ang ilang action scenes ni Walker para kanyang huling pelikula na “Furious 7” na naipalabas noong nakaraang taon.

Dagdag ni Caleb, ang kanilang naging karanasan sa set ng naturang pelikula ay nakatulong sa kanila para mas lalong makilala si Walker at lalo itong maunawaan.

Ang magkapatid na si Caleb at Cody ay nag-host ng isang livestreamed charity event ngayong Sabado para makaipon ng pera bilang tulong sa nangyaring baha sa Louisiana sa pamamagitan ng non-profit organization ni Walker na Reach Out WorldWide.

TAGS: Fast and Furious, Paul Walker, Vin Diesel, Fast and Furious, Paul Walker, Vin Diesel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.