Panukalang batas para siguruhing marunong lumangoy ang mga Pinoy, inihain

By Rod Lagusad September 18, 2016 - 06:41 AM

congress1Inihain ni Iligan City Rep. Frederick W. Siao ang House bill 3495 o ang Drowning Prevention Act.

Nakasaad sa nasabing panukalang batas ay dapat kasama ang mandatory swimming lesson bilang subject sa K-12 Basic Education Curriculum.

Ayon kay Siao, ang swimming, water safety at rescue lessons ay dapat maging bahagi ng kabuuang stratehiya sa pagpapababa ng mga insidente ng pagkalunod sa kasagsagan ng mga kalamidad o ng mga recreational aquatic activities.

Dahil sa ang mga Pilipino ay nakatira sa archipelago na may ibat-ibang uri ng uri ng natural water bukod sa pagiging flood prone ng bansa, dapat matuto ang mga Pilipino na lumangoy para ma-develop ang kakayahan na ito sa pagsasalba ng buhay ng tao mula sa pagkalunod at matutunan ang first aid sa mga aksidente kaugnay nito.

Sa survey ng United National Children’s Fund na ang pagkalunod ay pangalawa sa mga nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga bata sa Pilipinas na may edad na 14 taong gulang pababa at pang-apat naman sa pinaka nagiging dahilan ng pagkamatay dahil sa mga injury na nakukuha dito.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang Department of Education sa tulong ng National Disaster Risk Reuction and Management Council ay isasama ang mga swimming lessons sa K-12 basic education curriculum sa private at public elementary at secondary schools.

TAGS: Drowning Prevention Act, Iligan City Rep. Frederick W. Siao, K-12 Basic Education Curriculum, Swimming, Drowning Prevention Act, Iligan City Rep. Frederick W. Siao, K-12 Basic Education Curriculum, Swimming

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.