Filipino gymnast, posibleng manalo sa 2020 Tokyo Olympics
Umaasa si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion na ang Pilipinas ay mananalo ng medalya sa parating na 2020 Tokyo Olympics dahil sa nakikita niyang potensyal na maging isang world-class athlete ang 16 taong gulang na si Carlos Edriel Yulo.
Ayon kay Carrion sa pamamagitan ng tamang training, maaring makapag-uwi ng medalya ang ating mga atleta para sa Pilipinas.
Dagdag ni Carrion, kasalukuyang nag-eensayo si Yulo kasama ang Japanese national team bilang bahagi ng Olympic Solidarity Program.
Aniya ni Carrion na nagsisilbi ding Vice President sa South East ng Asian Gymnastics Union (AGU) na si Yulo ay maganda ang ipinapakita sa Japan dahil mentally strong ang nasabing atleta.
Dahil sa naging performance ni Yulo sa the Pacific Rim tournament, nakita ng ang potensyal na makapag-uwi ng medalya ito sa 2020 Tokyo Olympics.
Nanalo si Yulo ng limang medalya kasama ang mga gintong medalya sa 8th Pacific Rim Gymnastics Championships na ginanap sa Xfinity Arena sa Everett, Washington noong nakaraang Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.