La Salle, pinataob ang UST sa UAAP Season 79

By Rohanisa Abbas September 15, 2016 - 12:29 PM

La Salle vs UST
Inquirer file photo

Tinambakan ng La Salle Green Archers ang UST Growling Tigers sa score na 100-62 sa UAAP Season 79 kagabi.

Sa 1st at 2nd Quarter ng laban, naging magkadikit ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan.

Nagsimulang lumaki ang lamang ng La Salle sa UST sa ika-40 puntos ng Tigers.

Ayon kay UST team captain Louie Vigil, ito na ang pinakamalalang karanasan niya sa kanyang collegiate career.

Nahirapan siyang tanggapin ito dahil sa una at ikalawang quarter ng laban, naging maganda naman daw ang paglalaro nila.

Dagdag ni Vigil, biglang bumuwelo ang Archers sa ikatlong quarter at hindi na ito napigilan ng kanyang koponan.

Ayon naman kay UST coach Boy Sablan, hindi nakapaglaro ang energy guy ng koponan na si Afoakwah sa third quarter dahil nagtamo ito ng tatlong foul.

Aniya kahit hindi nakaka-shoot, lumalaban naman at dumedepensa ito.

Ito na ang pinakamalalang pagkabigo ng Tigers matapos ang isang dekada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.