2 hinihinalang gun-for-hire, patay sa engkwentro sa Malabon

By Jong Manlapaz September 15, 2016 - 08:04 AM

Patay ang dalawang hinihinalang gun-for-hire matapos na pasukin ng Malabon police ang pinagtataguan nito sa Sitio Balot, Barangay Tonsuya, Malabon.

Kinilala ang isa sa nasawi na si Jay Matias, 40 years old, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang nasawi.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang dalawang 9mm caliber at isang 45 caliber na baril.

May mga granada din nakuha ang SWAT team na nagresponde sa lugar.

Mariin namang itinanggi ng tiyahin ng biktima na si Baby Martin na gun-for-hire ang kanyang pamangkin, pero aminado ito na gumagamit ng bawal na gamot ang nasawing si Jay Matias.

Ayon kay PCI Lucio Simangan, Deputy chief for Operations ng Malabon PNP, nakatanggap sila ng intelligence report na may mga armadong kalalakihan sa lugar.

Nang magsagawa sila ng follow-up operation sa bahay ng mga suspek, agad umano silang pinaputukan ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.