‘Deposition’ ni Mary Jane, kukunin sa Indonesia

By Jay Dones September 14, 2016 - 04:22 AM

 

AP Photo

Magtutungo sa Indonesia ngayong buwan si Nueva Ecija Judge Anarica Castillo-Reyes upang kunin ang ‘deposition’  ni Mary Jane Veloso kaugnay sa kasong kinakaharap ng kanyang mga illegal recruiters na sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao.

Ang isang ‘deposition’ ay ang testimonya ng isang testigo na kinuha sa labas ng pormal na pagdinig ng hukuman.

Sa isang regular na pagdinig, kinakailangang humarap at umupo sa witness stand ang isang testigo upang kunin ang sinumpaang salaysay nito sa isang krimen o pangyayari.

Ngunit pinapayagan naman ang pagkuha ng ‘deposition’ sa mga pagkakataong may sakit o di-kaya at nakakulong ang isang testigo, tulad ng sa kaso ni Veloso na nasa death row sa Indonesia matapos mahulihan ng heroin sa pagpasok nito sa naturang bansa noong 2010.

Ayon kay Atty. Josalee Deinla, ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL), isasagawa ang pagkuha ng ‘deposition’ kay Veloso ng Philippine Consulate sa Indonesia.

Noong Abril, isasalang na sa parusang kamatayan si Veloso ngunit binigyan ito ng ‘stay of execution’ matapos sumuko ang mga recruiters ni Veloso na sina Sergio at Lacanilao at kasuhan sa hukuman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.