2-year moratorium sa farmland conversion ipatutupad

By Jay Dones September 14, 2016 - 04:21 AM

 

farmersNakatakdang magpatupad ng dalawang taon na moratorium ang pamahalaan sa conversion ng nasa 4.7 milyong ektarya ng lupang agrikultural na naipamahagi sa iba’t-ibang agrarian reform programs ng nakaraang mga adminstrasyon.

Sa executive order na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, layong matiyak ang food security sa bansa sa mga susunod na taon.

Ayon kay DAR Secretary Rafael Mariano, pansamantalang ipahihinto ang pagproseso at pag-apruba sa mga application na magku-convert sa mga agricultural lands tungo sa non-agricultural use sa ilalim ng executive order.

Ito aniya ay upang matiyak na hindi muna magiging mga subdivision ang mga naturang lupain o di-kaya ay gawing mga malls at iba pang establisimiyento na hindi nakatutok sa agricultural use.

Bukod dito, inatasan din ng pangulo ang Land Bank of the Philippines na magbigay ng ayuda sa mga agrarian reform beneficiaries at magbigay ng libreng irrigation services.

Ipinasosoli na rin ng pangulo ang nasa 70 bilyong piso na coco levy funds sa mga magsasaka na narekober mula sa shares ng San Miguel Corp na umano’y iligal na nakuha ng kumpanya mula sa mga buwis na ipinataw sa mga coconut farmers.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.