2 patay sa banggaan ng motor at SUV sa Nueva Vizcaya

By Mariel Cruz September 14, 2016 - 04:19 AM

 

Mula sa Google Maps

Nasawi ang dalawang indibiduwal habang isa naman ang sugatan makaraang magsalpukan ang isang motorsiklo at SUV sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang dalawang nasawi na sina Sammy Calawa, driver ng motorsiklo at ang kanyang pasahero na si Efren Pidong.

Agad naman isinugod sa Veterans’ Regional Hospital sa Bayombong ang nasugatan na si Alex Bitbit, residente ng Ambaguio sa Nueva Vizcaya.

Batay sa ulat mula Camp Adduru, naganap ang insidente sa national highway sa Bayombong.

Malubhang sugat sa ulo ang naging dahilan ng pagkamatay ng dalawang biktima.

Nabatid na ang sumalpok na suv sa motorsiklo ay isang government vehicle na pagmamay-ari ng bayan ng Divilacan sa isabela.

Nahaharap sa kaso ang driver ng suv na nakilalang si Angelo Christian Ramos, dahil sa banggaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.