Pangulong Duterte, itinanggi na nagbigay ng go-signal para bitayin si Veloso

By Chona Yu September 14, 2016 - 04:21 AM

 

duterte pafPara kay Pangulong Rodrigo Duterte, ‘in bad taste’ o mali na pag-usapan ang giyera niya laban sa droga tapos ay makiusap na mailigtas ang isang sangkot sa droga.

Sa kanyang talumpati sa 250th Philippine Airlift Wing sa Villamor Air Base, sinabi ng pangulo na hindi nila napag-usapan ni Indonesian President Joko Widodo si Mary Jane Veloso.

Isang araw matapos ang usapan nina Duterte at Widodo ay sinabi ng lider ng Indonesia na may go-signal na umano si Duterte sa pagbitay kay Veloso.

Pero paliwanag ni Duterte, ang sinabi lang niya kay Widodo ay ang igagalang ng Pilipinas ang desisyon ng korte ng Indonesia.

Katwiran ng pangulo, bad taste na matindi ang laban ng gobyerno kontra sa droga pagkatapos ay magmamakaawa siya sa isang bagay.

Dagdag ni Duterte, wala siyang dapat ihingi ng paumanhin dahil ang batas ay batas.

Una nang sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na hihingi lang ng clemency ang Pilipinas sa Indonesia kung mahatulang guilty ang illegal recruiters ni veloso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.