Daan-daang ektarya ng taniman ng niyog sa Basilan sinira ng cocolisap

By Den Macaranas September 13, 2016 - 03:34 PM

cocolisap
Inquirer file photo

Umaabot na sa tatlong milyong puno ng niyog sa lalawigan ng Basilan ang kasalukuyang sinisira ng cocolisap ayon sa ulat ng Department of Agriculture.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol na kasalukuyan siyang nasa Basilan para personal na pangasiwaan ang paghahanap ng solusyon hingil sa nasabing uri ng peste sa mga pananim na niyog.

“Kasama ko ang ilang mga eksperto at ilang mga opsyon an gaming pinag-aaralan para masugpo ang problemang ito”, ayon sa opisyal.

Dagdag pa ni Piñol, “Mula sa karagatan ng Basilan ay makikita ang naninilaw na mga puno ng niyog sa kabundukan na siyang patunay na malaking bahagi na ang nasira ng tinatawag na coconut scale insects”.

Ilan sa mga nakikitang paraan para sugpuin ang nasabing pests ay ang direktang pag-spray ng isang uri ng chemical sa mga puno ng niyog.

Samanatalang inirerekomenda naman ng ilang eksperto ang pag-inject ng gamot sa mga ugat ng puno.

Kapag hindi nahanapan ng solusyon, sinabi ni Piñol na tiyak na maraming mga nagtatanim ng niyog ang maapektuhan sa lalawigan pa lamang ng Basilan dahil sa cocolisap.

Nagsasagawa na rin sila ng mga paraan para hindi na makalipat pa sa ibang mga lugar ang nasabing uri ng insekto na sumisira sa mga pananim na niyog.

TAGS: Agriculture, Basilan, cocolisap, pinol, Agriculture, Basilan, cocolisap, pinol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.