Bahay nina FVR at Lacson kasama sa Oplan Tokhang sa Alabang

By Chona Yu September 13, 2016 - 03:18 PM

Tokhang Alabang
Inquirer file photo

Nagsagawa kanina ng Oplan Tokhang sa loob ng Ayala Alabang Village sa Muntinlupa city ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Muntinlupa Police Chief S/Supt. Nicolas Salvador na kabilang sa mga kinatok ng mga pulis ay ang bahay nina dating Pangulong Fidel Ramos at Sen. Ping Lacson.

Kasama rin sa mga kinatok ang bahay nina Richard Brodette at Jorge Joseph na kabilang sa mga tinaguriang “Alabang Boys” na nahuli at nakulong kaugnay sa illegal drugs.

Nilinaw ni Salvador na courtesy call lamang ang ginawa nila sa bahay nina Ramos at Lacson.

Tulad ng bahay ni Brodette ay pawang mga kasambahay rin ang sumalubong sa kanilang pagpunta sa bahay ng naturang mga personalidad.

Bahagi ng Oplan Tokhang ang paghahatid ng impormasyon kaugnay sa kampanya ng pamahalaan sa bawal na gamot at kung ano ang mga bagay na pwedeng maitulong dito ng mga ordinaryong mamamayan.

Sinabi pa ni Salvador na magpapatuloy ang Oplan Tokhang sa iba pang mga gated at exclusive subdivisions sa kanilang nasasakupang lungsod.

TAGS: FVR, lacson, Oplan Tokhang, PNP, FVR, lacson, Oplan Tokhang, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.