Gown ni Senator Nancy, “elegante”

July 27, 2015 - 10:30 AM

nancy WITH YR
File Photo at Kuha ni Chona Yu

Matapos mabatikos noong nakaraang State of the Nation Address (SONA) bumawi sa kaniyang gown na suot ngayong araw si Senator Nancy Binay.

Isang “blue-terno” na gawa sa piña silk ang suot ni Binay ngayong araw para sa pagbubukas ng sesyon ng Senado na kaniya ring isusuot mamaya sa huling SONA ni Pangulong Benigno Aquino III.

Idinisensyo ni Randy Ortiz ang nasabing kasuotan na siya ring designer ni Binay noong 2014 SONA. Bago ang SONA ngayong araw na ito, ang isa sa mga side stories na inaantabayanan ng media ay ang mga kasuotan ng mga mambabatas at iba pang personalidad. Pangunahin sa inaabangan ang isusuot ni Senator Binay.

Umaasa naman si Binay na sa kaniyang suot ngayon ay makakabawi na siya at hindi na magiging tampulan ng tukso ng mga ‘bashers’ sa Twitter at Facebook.

Magugunitang noong 2014, kung saan-saan inihalintulad ng mga ‘bashers’ ang attire ng senadora na ternong puti at berde. Ang iba ay ikinabit pa ang kaniyang larawan sa mga cartoon characters at hot air balloon.

Humingi naman ng paumanhin si Ortiz matpaos ulanin ng batikos at pagpuna ang kasuotan ng senadora./Chona Yu

TAGS: nancy binay gown, Radyo Inquirer, nancy binay gown, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.