Klase sa dalawang paaralan sa Las Piñas City, sinuspinde dahil sa bomb threat

By Dona Dominguez-Cargullo September 13, 2016 - 10:49 AM

Las PinasSinuspinde ang klase ng mga mag-aaral sa dalawang eskwelahan sa Pulang Lupa Dos, Las Piñas City makaraang makatanggap ng bomb threat, Martes ng umaga.

Isang guro at isang staff ng Vergonville Elementary School ang kapwa nakatanggap ng text message na nagbabanta na mayroong bomba sa paaralan.

Agad ipinaalam ng pamunuan ng eskwelahan ang banta sa mga opisyal ng Barangay na humingi naman ng tulong sa Las Piñas City Police.

Nang suriin ang eskwelahan, wala namang nakitang bomba ang mga tauhan ng bomb squad.

Sa kabila nito sinuspinde pa rin ang klase sa Vergonville Elementary School at maging sa katabing eskwelahan na Las Piñas North National High School.

 

TAGS: Vergonville Elementary School in Las Pinas City suspends classes due to bomb threat, Vergonville Elementary School in Las Pinas City suspends classes due to bomb threat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.