Bagyong Ferdie at bagyong Gener, mag-aabot sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo September 13, 2016 - 07:00 AM

Bago pa man tuluyang makalabas ng bansa ang Typhoon Ferdie, isa pang bagyo ang nakatakdang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA forecaster Manny Mendoza, bukas, araw ng Miyerkules inaasahang papasok sa bansa ang bagyong Gener.

Sa ngayon ay nasa tropical storm na ang category ng nasabing bagyo.

Kung hindi mababago ang kasalukuyang bilis at direksyon ng dalawang bagyo, mag-aabot sila sa loob ng PAR.

Sinabi ni Mendoza na sa pagtaya ng PAGASA, bukas pa ng gabi ang pinakamaagang labas ng bansa ng bagyong Ferdie, habang bukas naman ng taghali ang pinakamaagang pasok sa bansa ng bagyong Gener.

Pataas ang direksyon ng bagyong Gener o patungong Japan.

 

 

TAGS: Typhoon Ferdie and Tropical Storm Gener, Typhoon Ferdie and Tropical Storm Gener

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.