IED nakumpiska sa inarestong Vice Mayor sa Awang Airport

By Den Macaranas September 10, 2016 - 07:19 PM

handcuffs30915Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isang Improvised Exlplosive Device (IED) na gawa mula sa 60mm mortar mula sa grupo ni Talitay Maguindanao Vice Mayor Wahab Sabal.

Ang nasabing opisyal ay nasabat ng mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Group ng PNP sa labas ng Awang Airport sa Maguindanao.

Bukod sa pampasabog, nabawi rin mula sa grupo ang dalawang piraso ng Cal. 45 pistols, isang M-16 rifle at labing dalawang sachets ng shabu.

Kasama ni Sabal ang kanyang misis na si Mamalo at dalawang bodyguards na kinilala lamang na sina Maulana at Nasser.

Magugunitang si Wahab kasama ang kanyang kapatid na si Mayor Montasir Sabal ay kabilang sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilan sa mga local official na sangkot sa illegal drugs.

Sinabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa na nasampahan na ng kaso ang mga suspects.

Si Sabal ay isinasangkot rin sa naganap na pambobomba sa Davao City noong Setyembre 2.

Pero nilinaw ng PNP na walang kinalaman sa bomba ang pagkakaaresto sa mga suspek kundi ang kanilang pagkakasangkot sa pagtutulak ng droga.

TAGS: AIDG, awang, maguindanao, sabal, talitay, AIDG, awang, maguindanao, sabal, talitay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.