Pangulong Duterte umiyak sa ulat na namatay ang kambal ni Mayor Sarah

By Den Macaranas September 10, 2016 - 04:07 PM

Sarah duterte
Inquirer file photo

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiyak siya nang malaman na namatay ang dalawa sa triplets na ipinagbubuntis ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sarah Duterte.

Sa panayam pagdating niya sa Davao International Airport, sinabi ng pangulo na kasalukuyan siyang dumadalo sa Asean Summit sa Laos nang may magsabi sa kanya nang nangyari sa kanyang anak.

Kaagad daw siyang nagpunta sa banyo ng tinutuluyang hotel at doon siya umiyak.

Noong nakaraang Huwebes ay inamin ni Mayor Sarah na namatay ang dalawa sa kanyang ipinagbubuntis at ito’y kinumpirma ng kanyang duktor.

Nalaman lamang niya ang kundisyon nang siya’y magpa-check up makaraang dumalas sa lamay ng kanyang private nurse na namatay sa Davao City bombing noong Setyembre 2.

TAGS: Davao, duterte, sarah, Davao, duterte, sarah

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.