Suspected drug pusher patay sa shootout sa Maynila

By Jan Escosio September 09, 2016 - 08:35 PM

DrugsPatay ang isang suspected drug pusher nang makipagbarilan ito sa mga pulis sa Binondo, Maynila alas 4 ng hapon ng Biyernes, September 9.

Sinabi ni Chief Inspector Fernando Reyes, Hepe ng San Nicolas Police Community Precinct, naganap ang insidente sa Angalo Street.

Aniya, rumesponde ang mga tauhan ng Station Anti Illegal Drugs Unit ng MPD Station 11 at Intelligence Unit ng MPD sa lugar base sa impormasyon mula sa isang concerned citizen kaugnay ng nagaganap umanong drug session sa isang bahay.MPD

Ngunit bago pa lang makalapit ang mga pulis sa bahay ay pinaputukan na sila ng isang lalaki at sa kanilang pagganti ay napatay na ang suspek na nakilalang si Ronnie Bucao.

Nakuha sa suspek ang ilang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at isang 38 caliber revolver

Ayon pa kay Reyes, ang napaslang na suspek ay dayo lamang sa lugar at nagtutungo lamang duon para magbenta umano ng droga.

TAGS: patay, shootout sa Maynila, Suspected drug pusher, patay, shootout sa Maynila, Suspected drug pusher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.