Half-brother ni Lea Salonga at 2 iba pa na nakuhanan ng party drugs, iniharap sa media ng QCPD

By Erwin Aguilon September 09, 2016 - 02:00 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Iniharap sa mga mamamahayag ng Quezon City Police District (QCPD) sng naarestong half-brother ng singer na si Lea Salonga at dalawang iba pa na pawang supplier umano ng party drugs.

Sa isang presscon ipinakita ni QCPD Acting Director Sr. Supt. Guillermo Eleazar ang drug matrix kung saan si Philip Salonga ang lumalabas na kinukuhanan ng supply ng iba pang naaresto na sina Edward Nelson Jose at Nathaniel Adrian Cruz.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Iniimbestigahan ngayon ng QCPD kung may customer na celebrities ang tatlo.

Sinabi ni Eleazar na nag-ooperate ang tatlong suspek sa buong Metro Manila at mga partygoers ang kadalasan nilang parokyano.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Kaugnay nito binalaan ng opisyal ang mga may-ari o nagpapatakbo ng bar na kinukunsinte ang pagbebenta at paggamit ng mga party drugs.

Aminado naman si Salonga na nagbebenta siya ng droga at sa isang Aldrin Sandoval ang pinagkukunan umano niya ng suplay niya sa halagang P1,000 at ibinebenta sa halagang P1,500.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Si Salonga ay nadakip sa follow-up operation sa Reserve Liquor Lounge bar sa City Golf Plaza, Julia Vargas Avenue, Pasig City, habang sa dalawang magkahiwalay namang lugar naaresto ang dalawa pa.

Narecover sa tatlo ang 80 capsule ng ecstasy at iba pang party drugs.

 

 

TAGS: Lea Salonga's half-brother arrested for selling party drugs, Lea Salonga's half-brother arrested for selling party drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.