Viloria, pinatumba si Soto ng Mexico

July 26, 2015 - 08:42 PM

Inquirer file photo

Pinabagsak ni Brian Viloria sa unang round pa lamang ang Meksikanong boksingero na si Omar Soto sa Super Flyweight Match sa Florentine Gardens, California.

Nabatid na sa unang minuto pa lamang ng unang round, tatlong beses nang pinabagsak ng Pinoy boxer si Soto matapos magpakawala ng matitinding suntok.

Dahil dito, nagpasya na ang referee na si Zac Young na itigil ang laban sa 2:02 minute ng unang round dahilan para maitala ni Viloria ang Technical Knockout (TKO).

Hawak ngayon ni Viloria ang record na 36 na panalo kung saan dalawamput dalawa rito ang knockout habang apat na talo.

Matatandaang noong 2010, nagharap na ang dalawang boksingero kung saan nanalo si Viloria sa pamamagitan ng split decision./ Chona Yu

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.