Dalawang lalaki, patay sa pananambang sa Pasig City

By Jong Manlapaz September 08, 2016 - 10:16 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Magkasunod na pamamaslang ang naganap sa Pasig City sa nakalipas na magdamag, kung saan kapwa pinasok sa bahay ang mga biktima at saka binaril.

Unang nangyari ang pamamaslang sa Barrio Masikip, Jennys Avenue, Rosario Pasig.

Sa kwento ni Noralyn Ortiz, 42-anyos natutulog sila sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, katabi ang kanyang asawa at dalawang anak na 6 na taong gulang at 3 na taong gulang nang may marinig silang putok ng baril.

Nagising na lamang sila dahil sa lakas ng putok ng baril at dito nakita nila nakapasok na pala ang isang lalaki na nakamaskara at binaril ang kanyang asawa na si Jessie Dabon 45-anyos.

Halos hindi naman tumigil sa pag-iyak ang anak na babae ng biktima dahik katabi lang nito ang kanyang ama nang barilin ng suspek.

Aminado naman si Ortiz na gumagamit ng bawal na gamot ang kanyang asawa.

3 basyo ng 45 caliber at isang bala ng 38 caliber ang nakita sa lugar.

Isang oras lang ang lumipas, napatay din ang drug personality na si Enrico Espinosa, 27 anyos, matapos na pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Col. P. Licsi Street, Caniogan, Pasig City.

Ayon sa salaysay ng anim na taong gulang na anak na babae ni Espinosa, natutulog sila ng biglang pumasok ang dalawang lalake at sapilitan silang pinalayo ng kanyang nakababatang kapatid na lalake sa kanilang ama.

Dito na pinaputukan ng dalawang beses sa ulo at mukha si Espinosa na agad nitong ikinasawi.

Nakita naman ng magkapatid na paslit kung paano binaril at pinatay ng dalawang suspek ang kanilang ama.

Naikwento pa ng paslit na maliban sa dalawang suspek na pumasok sa loob ng kanilang bahay, mayroon pa daw syang nakitang dalawang lalake na nakatyo sa labas ng kanilang bahay.

Sumuko na umano sa Oplan Tokhang si Espinosa subalit namonitor ng pulisya na patuloy pa rin ito sa iligal na aktibidad./ Jong Manlapaz

 

TAGS: 2 killed in separate shooting incident in Pasig City, 2 killed in separate shooting incident in Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.