Buhawi tumama sa Bogo City, Cebu, ilang bahay ang nawasak

By Dona Dominguez-Cargullo September 08, 2016 - 06:58 AM

Photo from Bogo City - PIO
Photo from Bogo City – PIO

Nanalasa ang buhawi sa Barangay Odlot sa Bogo City, Cebu kahapon na nagdulot ng pagkawasak ng ilang bahay at pagkawala ng suplay ng kuryente.

Ayon sa Cebu Provincial Government, may mga puno rin ang natumba, nagliparang mga bubong at may mga pumpboats na nasira bunsod ng pagdaan ng nasabing buhawi.

Partikular na naapektuhan ang Sitio proper 1 at Sition proper 2 sa nabanggit na Barangay.

Ayon kay Vice Mayor Mayel Martinez ng Bogo City, wala namang napaulat na nasugatan sa insidente at ang mga debris na kumalat sa lansangan ay nalinis na.

Naibalik na rin ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.

 

TAGS: Tornado in Bogo City, Tornado in Bogo City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.