Don Alejandro Sr. Science High School sa QC, binulabog ng bomb threat

By Mariel Cruz September 06, 2016 - 08:25 AM

Kuha ni Mariel Cruz
Kuha ni Mariel Cruz

Binulabog ng bomb threat ang Don Alejandro Sr. Science High School sa may bahagi ng Don Alejano Roces Avenue sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Pedro Sanchez, commander ng QCPD Station 10, nakatanggap sila ng tawag kaninang alas 5:35 ng madaling araw mula sa principal ng paaralan na nagsasabing may natanggap silang banta umano ng pagsabog.

Nabatid na kumalat sa mga estudyante ang isang mensahe na nagsasabing may magaganap na
pagsabog mamayang alas dos ng hapon sa kanilang paaralan.

Kuha ni Mariel Cruz
Kuha ni Mariel Cruz

Itinawag naman ito ng isang magulang sa eskwelahan kagabi at ipinaalam ang nasabing balita.
Ayon kay Archie Alum, security guard ng paaralan, siya ang nakasagot ng tawag ng magulang bandang 10:15 kagabi.

Agad aniya silang nagronda sa buong eskwelahan ngunit wala naman silang nakita kung kaya hindi na nila ito itinawag sa pulis.

Kaninang umaga lamang ng ipaalam ng nasabing security guard ang balita sa principal na agad naman ipinag bigay alam sa pulisya.

Nang galugarin ng bomb squad ng Quezon City ang paaralan, nag negatibo naman ito.
Nabatid na nagmula ang mensaheng natanggap ng isang estudyante sa pamamagitan ng Facebook private message mula sa isang Kurt Vince Berba.

Ikinalat ito sa iba pang estudyante sa pamamagitang pag-screenshot sa nasabing mensahe.

Sa kabila nito, hindi naman nagkansela ng klase ang paaralan ngunit maaari naman umuwi na ang mga estudyante kung nanaisin at susunduin ng kanilang magulang.

 

TAGS: Don Alejandro Sr. Science High School, Don Alejandro Sr. Science High School

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.