Chief PNP aminado na may pagkukulang ang mga pulis sa Davao bombing

By Ruel Perez September 05, 2016 - 03:44 PM

Ronald dela Rosa
Inquirer file photo

Aminado si Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na medyo nag-relax ang mga pulis kung kaya nalusutan sila ng pambobomba sa Davao City.

Sa kanyang pagbisita sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga ngayong araw, inamin ng opisyal na kung naging alerto lamang ang PNP ay hindi magaganap ang Davao bombing na ikinamatay ng 14 katao at ikinasugat ng mahigit 60 indibidwal.

Pero dahil sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of lawlessness sa buong bansa ay makakatiyak umano ang publiko sa presensya ng mga pulis at militar na magpapatupad ng mahigpit na pagbabantay

Kasabay naman nito, tiniyak ni CPNP Bato na bagama’t naka puntos umano ang mga terorista ngayon sa Davao City blast pero sa dulo ay ang pamahalaan pa rin ang magwawagi.

Bumisita si dela Rosa sa Camp Olivas kasabay ng pagdiriwang ng ika-115 taon anibersaryo ng PNP Police Service na sinundan naman ng ground-breaking ceremony para sa rehabilitation center ng Region 3 na itatayo sa loob mismo ng naturang kampo.

Nagpaunlak ng press conference ang PNP Chief bago idaos ang kanilang command conference sa pagitan ng mga matataas na opisyal ng Police Regional Office 3.

TAGS: Davao City, dela rosa, PNP, Davao City, dela rosa, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.