Klase sa College of Holy Spirit sa Maynila, sinuspinde dahil sa bomb threat

By Mariel Cruz September 05, 2016 - 10:30 AM

College of Holy SpiritPinauwi na ang mga estudyante ng College of Holy Spirit sa Maynila, matapos na makatanggap ng bomb threat ang paaralan.

Maging ang mga empleyado ng paaralan ay pinauwi na din at sinuspinde rin ang pasok sa mga opisina.

Nabatid na nakatanggap ng tawag mula sa hindi nagpakilalang tao ang eskwelahan kung saan sinabi nito na may nakatanim na bomba sa kanilang bisinidad.

Agad namang ginalugad ng mga tauhan ng bomb squad ng Manila Police District (MPD) ang buong paaralan at nag-negatibo naman ito sa bomba.

Magugunitang nakataas ang full alert sa buong bansa kasama na ang Metro Manila kasunod ng pambobomba sa Davao City noong Biyernes ng gabi na ikinasawi ng 14 na katao.

 

 

TAGS: Class suspended in College of Holy Spirit in Manila due to bomb threat, College of Holy Spirit, Class suspended in College of Holy Spirit in Manila due to bomb threat, College of Holy Spirit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.