Gun-for-hire members, patay sa engkwentro sa Las Piñas City

By Erwin Aguilon September 04, 2016 - 07:03 AM

 

gun crime suspect drugsTatlong lalaking hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group ang nasawi matapos maka engkwentro ng mga tauhan ng Las Piñas City Police sa C5 Extention, Barangay Pulang Lupa, Las Piñas City.

Ayon kay Sr. Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Las Piñas City Police, nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa lugar at sa halip na huminto ang mga suspek sa sakay ng isang Toyota Avanza nilagpasan ng mga ito ang checkpoint ng pulisya.

Bukod dito, nagpaputok pa aniya ang mga suspek dahilan upang mauwi ito sa engkwentro na ikinasawi ng tatlo.

Nadiskubre naman ng pulisya ang bangkay ng isang lalaki sa likod ng sasakyan ng mga suspek na hinihinalang biktima ng summary execution.

Binalutan pa ng packaging tape ang mukha ng biktima at may nakalagay na karatulang “tulak ako, wag tularan”.

Hinala ng pulisya ang mga suspek ang responsable sa mga pagpatay na nag-iiwan pa ng mga karatula.

Nakarecover naman ang pulisya ang tatlong baril at mga gamit sa pagsa-salvage mula sa mga nasawi.

 

TAGS: Barangay Pulang Lupa, gun-for-hire group, Las Piñas City, Sr. Supt. Jemar Modequillo, Barangay Pulang Lupa, gun-for-hire group, Las Piñas City, Sr. Supt. Jemar Modequillo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.