VM Paolo Duterte, nakatanggap ng impormasyon tungkol sa bomb threat

By Kabie Aenlle September 03, 2016 - 05:48 AM

Mula sa Facebook page ng City Government of Davao
Mula sa Facebook page ng City Government of Davao

Inihayag ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na nakatanggap siya ng impormasyon tungkol sa isang bomb threat, dalawang araw na ang nakalilipas.

Ayon kay Duterte, ibinilin sa kaniya na huwag itong ipakalat kaya tumahimik na lamang siya upang makaiwas sa pambabatikos.

Una na kasing inulan ng pag-puna ang bise alkalde nang mag-anunsyo siya ng bomb threat sa lungsod kahit hindi pa ito beripikado.

Base sa impormasyong natanggap ni Duterte, gagawin ang pag-atake sa General Santos City o sa Davao.

Hindi bababa sa 10 ang nasawi habang 60 naman ang sugatan sa pagpapasabog na naganap sa isang night market sa Davao City na dinadagsa ng mga tao dahil sa mga food stalls, ukay-ukay at mga masahista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.