Umano’y notorious pusher, patay sa sa mga pulis sa QC

By Jong Manlapaz September 02, 2016 - 04:30 AM

 

Kuha ni Kag. Alex Santos

Nakaupo pa sa inidoro nang mapatay ng nga pulis ang sinasabing notorius na tulak ng bawal na gamot ng Bgy. Tatalon, Quezon City.

Kinilala ni Supt. Christian dela Cruz, hepe ng QCPD station 11 ang nasawi sa alyas ‘Jayjay Tuyo’, habang arestado naman ang dalawang kasama nito na kinilala ang isa sa pangalang Mark Anthony Nadela.

Sa kwento ni Supt. Dela Cruz, target ng kanilang anti-illegal drug operation si alyas ‘Jayjay Tuyo’ pero ng makita umano ang mga pulis tumakbo ito mula sa Victory Ave., papunta ng Manungal St. Bgy. Tatalon at pumasok sa isang bahay.

Nagpaputok umano ang suspek sa mga pulis na agad naman gumanti ang mga operatiba at natamaan sa ulo ang suspek na agad na kinamatay nito habang nakaupo sa inidoro.

Nakuha sa suspek ang .45 caliber na ginamit nito ng makipagbarilan sa mga pulis.

Hindi naman na nanlaban ang dalawang kasama ng napatay na suspek nahawak ngayon ng mga otoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.