Diumano’y asset ng mga police sa anti-drug campaign, pinaslang sa Iligan

By Jay Dones September 02, 2016 - 04:28 AM

 

crime-scene-e1400865926320Pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang asawa ng isang barangay chairwoman na diumano’y nagturo sa mga lugar na talamak ang iligal na droga sa Iligan City.

Kinilala ni Iligan City police chief Supt.  Roy Ga, ang nasawing biktima na si Ronald Fuentes na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Asawa ang biktima ng Bgy. Chairwoman na si Mayla Fuentes ng Bgy. Saray.

Nakikipag-inuman lamang aniya ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa Bgy. Saray nang biglang dumating ang mga armadong suspek na nakamaskara at pinagbabaril ang biktima.

Sa pagkamatay ng biktima, umaabot na sa 30 ang bilang ng mga nasasawi sa pamamgitan ng pamamaril sa lungsod ng Iligan simula noong Hulyo 1.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.