Atty. Fortun nababahala sa kanyang kaligtasan nang mapatay ang mag-asawang Odicta

By Mariel Cruz August 30, 2016 - 07:38 PM

fortunNangangamba sa kanyang buhay ang isa sa mga abogado ng napaslang na mag-asawang Melvin at Meriam Odicta na si Atty. Raymond Fortun.

Ito ay sa kabila ng lumutang na ulat na bago pa man mapatay ang mag-asawang Odicta ay nakapagbigay pa sila ng matrix ng mga sangkot sa ilegal na droga sa Iloilo sa kanilang mga abogado.

Sa isang text message, sinabi ni Fortun na huwag paniniwalaan na kagagawan lang ng ‘drug associates’ ng mga Odicta sakali man na mapatay siya o sinuman sa kanilang mga abogado.

Binanggit din ni Fortun na nagbigay ng sinumpaang salaysay si Melvin Odicta sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong August 25 kung saan iginiit nito na hindi siya druglord.

Hindi rin aniya nagsumite ng drug matrix si Melvin sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) o sa kanyang mga abogado.

Apela ni Fortun sa mga otoridad, gawin ang kanilang trabaho sa paghahanap ng katotohanan sakali man mangyari ang kanyang kinatatakutan.

Matatandaang napatay ng umano’y dalawang gunmen ang mag-asawang Melvin at Meriam matapos bumaba mula sa sinakyang barko sa pantalan ng Caticlan noong Lunes ng madaling-araw.

TAGS: Illegal Drugs, odicta, raymund fortun, Illegal Drugs, odicta, raymund fortun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.