Patay sa Project: Double Barrel ng PNP umabot na sa 895

August 30, 2016 - 04:25 PM

Drug kills
Radyo Inquirer/Jong Manlapaz

Patuloy ang paglobo ng mga napapatay na drug suspects sa ilalim ng Project: “Double Barrel” ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng pambansang pulisya, ngayong araw ay umabot na sa 895 ang nasawi sa mga ikinasang anti- illegal drugs operations sa buong bansa.

Umaabot na din sa 12,920 ang mga arestadong drug suspects o mga addict at pushers sa kabuuang 555,018 na kabahayan na kinatok ng pulisya sa ilalim ng Oplan Tokhang.

Umabot naman sa 626,368 na indibidwal ang kusang loob na sumuko, sa bilang na ito 585,304 ang mga user ng ipinagbabawal na gamot, habang 41,064 naman ang pusher ng droga.

Sinimulan noong July 1 ng PNP ang project double barrel na target na masawata ang mga bigtime at small time na mga drug personalities sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.