Pimentel nagpaliwanag sa pananahimik sa away nina Duterte at De Lima

By Jan Escosio August 30, 2016 - 03:49 PM

KokoSa wakas ay binasag na ni Senate President Koko Pimentel ang kanyang pananahimik ukol sa bangayan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Leila de Lima.

Paglilinaw ni Pimentel, inirerespeto lang niya ang mga namumuno sa ibat ibang komite.

Katuwiran niya ang mga chairperson ang bahala sa mga komite na kanilang pinamumunuan at ito aniya ay hindi sa pagiging walang pakialam kundi respeto lang na maituturing.

Ngunit tiniyak nito na inaalam nila kung ano ang talagang makakabuti sa Senado lalo na sa mga ginagawa nilang imbetigasyon.

Sinabi ni Pimentel na kakausapin niya ang mga kapwa niya Senador para alamin kung nakakaapekto na ba sa kanila ang awayang Duterte-de Lima.

Hindi na rin nagbigay ng tugon ang opisyal hingil naman sa balak ng Kamara na ipatawag si de Lima sa kanilang gagawin na imbestigasyon may kinalaman pa rin sa iligal na droga.

TAGS: de lima, duterte, Pimentel, senate, de lima, duterte, Pimentel, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.