Bagong hotline kontra “ninja cops” inilunsad ng PNP

By Ruel Perez August 29, 2016 - 08:05 PM

high-grade-shabu
Inquirer file photo

Nagbukas na ng text hotline ang PNP para sa mga magbibigay ng impormasyon hinggil sa umanoy mga ninja cops na nagrirecycle ng droga.

Ayon kay PNP spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, 24/7 ay maaring tumawag o magbigay ng impormasyon para tumanggap at maiproseso ang mga confidential na impormasyon sa kanilang telepono 09178475757.

Ani Carlos, isa umanong magandang inisyatibo ang alok ni Pangulong Duterte na P2 Million reward para sa sinumang makakapatay o makakapagbigay ng impormasyon sa mga ninja cops o mga pulis na nasa likod ng pagre-recycle ng droga   na mga nasasabat sa mga operasyon.

Tiniyak ni Carlos na magiging confidential ang anumang impormasyon na kanilang matatanggap kasabay ang pagtitiyak na isasailalim sa masusing validation ang lahat ng mga matatanggap na impormasyon

Kasabay nito, hinikayat din ni Carlos ang sambayanan na suportahan ang kampanya para tuluyan na malinis ang PNP sa mga tiwali at sangkot sa ilegal na droga.

TAGS: hotline, Illegal Drugs, PNP, hotline, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.